top of page
Writer's pictureThe Kondor

VIE! : "sumakto na habang magtrotropa kami pare-parehas kami ng trip"

VIE! Sa buong buhay ko kakapanuod ng mga banda sa kung saan saang bar o kung san mang tugtugan, iilang beses lang ako napatanong ng "sino tong mga to?!". Naalala ko pa nung unang beses ko napanuod tong mga 'to sa Freedom Bar jan sa anonas. Hanep lang, hanep sa enerhiya at hanep sa gigil. Isa sila sa mga bandang pag napanuod mo isambeses hindi mo talaga sila makakalimutan. Description ko sa kanila eh "kadilimang nakangiti"



Pano at kelan kayo nagstart?

Rod : (2005-2006) nung una kami nagkasama-sama, mga highschool kami nung panahon na yon, ako at si Mickoy meron ng banda galing sa ibang eskwelahan, tapos sila Imman at Joma meron na din banda sa school nila that time. Nung nalipat ako sa JASMS dun ko nakilala sila Imman, Joma at ang una namin drummer si Mikey. Pinakilala ko si Mickoy sa kanila, dun nagumpisa yun connection namin sa music kasi dati nung naguumpisa kami ni Mickoy hirap kami gumawa ng kanta halos puro cover songs lang, tapos si Imman bata palang kami magaling na talaga mag gitara at kumapa kapa ng kanta, nagumpisa sa cover ng Rage Against the Machine tapos kanya kanya bigay ng influences at taste sa music, then jam jam tapos sali sa mga battle of the bands sa school, ticket selling gigs, tapos ayun nagdecide kami na buoin yun VIE. Lumipas ang panahon kailangan na pumunta ni Mickoy at Mikey sa U.S. Nagdecide kami kumuha ng drummer, may mga ibang sumubok tapos ni refer ng tropa namin si Bengs. Tinesting namin magjam at nagdecide kami na si Bengs na yun mag fifill sa parte na naiwan nung una namin drummer, nag patuloy kami tumugtog as 4 piece pero nung panahon na yun nakakasama na namin si Ramon. Nanunuod siya ng mga gigs namin, nung panahon na yun nagigitara gitara na din siya at naisip namin bakit di namin subukan magjam kasama si Ramon para kumapal ang tunog, after nun nagpasya na kami na isama na si Ramon sa banda, then bumalik si Mickoy from U.S., tinuloy namin yun naumpisahan namin kasama na si Ramon, dun kami nabuo ng ganitong line-up, hanggang ngayon wala na nadagdag at nabawas sa miyembro namin.


Bakit "Vie" ang pangalan niyo?

Rod : Ang nagpangalan ng banda namin ay si Mikey una namin naging drummer sa banda. Nahanap lang niya sa dictionary yun salitang "VIE". Nagustuhan namin yun meaning at yun na pinangalan namin sa banda.


As a band or tropa ano ginagawa niyo para manatiling solido samahan niyo?

Rod : Walang pataasan ng ihi, pag may problema kami sa isa't-isa di na namin pinalalaki at pinatatagal pa, pinaguusapan lahat. Supportive naman lahat ng miyembro, walang take ng side, kampihan. Basta pag may problema o di napag uunawaan, pinag-uusapan namin agad. walang pride pride.


Magkakabanda ba muna kayo o tropa muna?

Rod : Naging mas tropa muna talaga kami bago gumawa ng banda, sumakto na habang magtrotropa kami pare-parehas kami ng trip gawin hanggang sa ngayon, tumugtog at mag banda.




Pano songwriting/creative process niyo?

Rod : Nag uumpisa lagi kay Imman at Mickoy, meron na sila laging mga bala na pwede tugtugin sa jam. Tinetesting namin sa studio, tapos iisipan ko ng melody at kung pano mapapasok yung mga nasulat kong lyrics sinasabayan din nila Bengs, Joma at Ramon yun mga nagawa na riffs nila Mickoy at Imman . then take-home assignment sa bawat myembro para sa next na ensayo may progreso kami sa bagong mga sinusulat. sa creative process naman, kanya kanya kami ng soundtrip tapos pasahan sa banda, malaking factor kasi pag lagi ka nakikinig ng mga bago o lumang kanta, maraming bagong idea ang maiisip.


Ano kinakabusy niyo lately?

Rod : Sa ngayon ensayo talaga at sulat ng kanta para sa 2nd album. ginagawa namin once o twice a week kami mag studio jam, minsan house jam, nag rerecord din kami sa kasalukuyan sa Glasstone Studio.


Any upcoming releases or latest release?

Rod : Meron kaming ilalabas na tatlong kanta bago matapos ang month ng May, yung dalawa dito naka- abang na, yung isa may lyric video na tapos audio track namin rerelease yun sumunod. tapusin lang namin tong 3rd song then lalabas na namin, susubukan din namin na marelease yun 2nd album bago matapos ang taon.


Future plans?

Rod : Tinatrabaho talaga namin yun 2nd album project with Glasstone Studio, yun ang main goal namin as of now, yung bar tour namin with Faspitch and Arcadia, balak din namin mag upgrade ng gears at maglalabas kami ng mga bagong merch kaya abang lang kayo.


Memorable gigs?

Rod : haha medyo madami to, meron isang lumang gig nung naguumpisa kami kung san na-invite kami tumugtog sa isang restaurant. Dinner gig pala yun at majority ng mga bisita ay mga matatanda, mga erpats at ermats na at mga senior citizen, wala silang idea na metal band pala kami, medyo nag aalangan kami non pero tinuloy parin namin, ok naman pinakain kami ng buffet pagkatapos. 'Di rin namin malilimutan yun mga Brgy Tibay events , kung san nakakasabay namin yung mga banda na iniidolo namin, sobrang ganda rin kasi lagi ng tunog at equipment pag Tibay events. Meron din yun Davao at Cebu gig namin, sobrang accomodating yun mga tao samin, lagi kaming busog at lasing tapos nagkaron kami ng supporters sa Visayas at Mindanao dahil dun, nagkaron ng mga bagong tropang banda. Isa rin sa mga memorable gigs namin yun naimbitihan kami ng Kamikazee para mag front sa mga shows nila, sa ibat ibang mga probinsya at mall shows, sobrang daming tao lagi pag ganun ang set up, nasama din kami sa 2 leg ng Kamiquesohoundz tour 'di namin malilimutan yun. Meron din kaming gig sa Cavite na memorable, sobrang wild lagi ng mga tao at ng mosh pit. Meron dun isang gig habang set namin kumakanta ako may nag flying kick sa dibdib ko tumalsik ako sa drumset tapos nababangga ng mga tao sa pit yun mga ibang kabanda, kaya gumawa ng nang human barricade yung mga organizers ng event, meron din dapat kaming gig sa Cavite; kami na next na sasalang, biglang may nagpaluan ng tubo sa venue at nagkagulo may nag papalabas ng baril basta kaguluhan na takbuhan mga tao, tapos di na kami tumugtog rumekta nalang kami ng Tagaytay para kumain may dinaanan din pala kaming perya haha tumambay din kami dun saglit.


Vie :

Imman Tarroja - Guitar Mickoy Mariano/Ramon isungga - Guitar Rod Rodrigo - Vocals Joma Caluag - Bass Mikey Cayaban/Patrick Bengullo - Drums



Ang Vie ay isa sa mga bandang todo mairerecomenda kong panuorin niyo ng live kung hindi niyo pa sila napapanuod. Lumabas kayo at manuod ng Banda!

459 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page