top of page
Writer's pictureThe Kondor

Saydie | Kat Taylor : "feeling ko malaking factor ung teenagers kme nung nag start and nangapa kme"



Unang una kamusta ang Saydie?


Kat : Ok naman mas steady.. :)


Gaano na ba kayo katagal?


Mag 17 years sa April.


Haba na din ng biyahe. Congrats, hindi biro ang magtagal, lalo na dito sa pilipinas.

Naka ilang palit na din ng line up ang banda. Kamusta naman yun kada nangyayari yun?


MEdjj hehe.. Pero part talaga sya nung naging path ng Saydie, feeling ko malaking factor ung teenagers kme nung nag start and nangapa kme sa lahat on our own.

Di maiiwasan ung differences sa music habang nag ggrow ka and life happens. Adulting. :)

Every time nangayayare yun, steady lang naman, wala naman traumatizing sakanila and pag may mawawala lagi naman may bago ule. Safe lang.


Wild challenges?


In terms of new bandmates, wala naman.

Ako talaga yung nagkaron ng major challenges in the past. Una nung nawala ung mom ko shortly after ng 1st album release. 20 lang ako nun, dami bigla nag bago saken.

Di ako makauwi ng Pinas for a while. Successful nga yung album nasa malayo naman ako di makatugtog, magulo lahat dati.

Pero eventually nakalipat din ako ulet ng Pinas, naayos din pero parang back to square one.

Lalo nung naging nanay ako, na alter ulet yung dynamics ng buhay banda ko.

Thankfully na align naman lahat, nahanap naman namen ulet si Saydie in the process.


Magagandang bagay dala ng line up change/s?


Magandang bagay? Yung current line up - si Karl, Mark, Marvin and Lehmann. Solid sila! Ilang years na den kame magkakabanda. Mas organized, drama free and productive.

Walang arte arte.

Pag may mga conflict sa schedule madami kaming sub. Laging handa hehe.


Kung kaming mga lalake eh madalas na magago ng mga tao online or live habang tumutugtog. Ganun din ba para sa babaeng front ng isang banda?


Habang tumutugtog wala naman, masaya nga ako pag magulo eh.

Online wala ren mashado mga tanga tangang troll lang, pero minimal lang.

Ang na experience ko na hassle, stalker.


May mga malala ka bang maalala na instances na masarap ichoke na tao?


May isang stalker na babae dati, may party kasi sa condo ko noon tapos pag bukas ko ng pinto may babae nakatayo lang sa may pinto.

Nagulat ako pero maayos naman itsura nya normal lang, sabe nya she was “in the area” and fan ko daw yung friend nya.. sha ren blah blah blah…

Tapos nag pa picture saken and sa anak ko. Mali ko lang pumayag ako kasi kala ko wala lang.

After ilang days nabasa ko nalang sa isang gossip website na kine-claim nya anak nya yung anak ko tapos andun pic nila. Sobrang weird!

Sobrang natakot ako nun, badtrip so yun ang sarap nya ichoke at ihulog sa bangin. haha



Kwento mo naman konti kung paano ang songwriting process niyo? Paano kayo nagsisimula gumawa ng kanta?


Usually una yung gitara, una yung mga kabanda ko then lagyan ko ng kanta.

May ilang songs din kme na nauna yung vocals pero mas madami ung nauna ung instrumento.

Once may nagawa na ako ilalapat, may pre-prod recording then aral ng kanta, jam tapos record ulet.


Saan busy ang Saydie ngayon? May bago bang album, tour, recording, video..etc?


Busy sa gigs… Nag rerecord na ren kame for the 3rd album sana matapos namen this year, maglalabas din ng bagong music video soon and may tour din towards the last quarter of 2020.


Para sa mga batang babae na gusto din magbanda - ano mapapayo mo?


Wag mang gaya, laging irecord ang sarili. Enjoy, wag magbabaduy hehe


Ultimate goals para sa banda?


Makagawa pa kame ng maraming albums, makatugtog sa WWE and maka world tour.


Saydie is :

Kat Taylor - vocals Karl Kliatchko - guitar, synth

Lehmann Flores - guitar Marvin Montero - bass

Mark Garchitorena - drums

More on their Facebook page @saydieofficial

551 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page