top of page
Writer's pictureThe Kondor

BATAS : Ang Pinakamalakas : "tigasan niyo ulo niyo. Wag kayo makinig sa iba"



Karamihan ng tao kilala ka na "Batas" - battle rapper. Sa amin ikaw c mark - metal na bassist, tatoo artist at tigas na rapper/mc. Ano mas gugustuhin mong maiwang legacy or san mo mas gusto maalala na larangan?


hmmmm..... Sa totoo lang, sa pagiging erpat. Pero sa pagiging musikero at tattoo artist, gusto kong maalala ako na ako yung hybrid na artist kumbaga. Hiphop artist at metal musician - na tattoo artist. Ako yung nagpatunay na hindi siya bawal. Haha. Sa tattoo naman, gusto ko lang maging masaya ang bawat ginawan ko. Habang masaya din ako sa produkto ko.


Ano ang nauna, rap or bass/gitara? Bass ba ang una mong instrumento? May formal training ba? Paano ka din nagsimula mag rap?


Nauna ako nagrap kesa sa bass. 2002 ako nagsimula magbass para sa sultans, rap sa tingin ko 99 kami nagsimula ng geobluntz. Nagsimula ako magrap sa pagsusulat at paggaya sa mga trip na trip kong hiphop artists. Pero nagsimula talaga ako sa pagiging musikero sa organ at piano. Grade 2 ata ako nagsimula mag aral nito.


Ano ang mga solid challenges bilang isang pinoy na mc/rapper? Or part ng grupo (illustrado)? Paano din ang dynamics niyo sa pag gawa ng kanta? Paano ang creative process, solo at sa loob ng isang grupo?


Isa sa pinakachallenge sakin ay yung tingin ng tao sa hiphop dito sa pinas. Colonial mentality kasi dito. Pag hindi english at hindi american accent ang english mo, hindi ka na kagad magaling sa paningin ng mga hindi talaga mahilig sa rap o hiphop. Sa songwriting naman namin sa illustrado, usually magbibigay si smoki ng ilang beats, batch batch siya nagpapasa. Tapos pinaguusapan namin kung ano ang bagay at kung ano ang gugustuhin namin na tema sa bawat beat. Tapos batuhan ng ideas habang nagsusulat. Tapos record. Pagnalatag na namin at napakinggan, ibabalik namin k smoki para mas malaro niya yung beat.


Sa pagiging bahista naman, ano ang mga solid na nagiging reaction ng mga tao lalo sa mga kilala ka lang na si "batas" na battle mc? May specific ka bang naalala?


Nagugulat lang sila na metal pala ako. Na nagbabanda din pala ako. Kulit nga e. Nung sumikat ang fliptop, sabi ng mga nakakasabay ko sa metal na eksena, nagrarap pala ako. Tapos sa kabilang side, ganun din. So yun. Oo na lang din ako syempre. Nakakatamad din mag explain sa mga tao minsan e. Haha.


As visual artist/tatoo artist gaano kalaki ang role ng music sa style mo? Malaki ba epekto nito or vice versa?


Importante ang music twing may hawak akong lapis o tattoo machine. Mood ko yan. Dagdag focus din. Sa paggawa naman ng music, importante din ang mga nakikita natin madalas para mabigyan tayo ng inspirasyon.


Meron ka bang sobrang gustong ibattle ngayon? Kung meron baket?


Wala akong nasa isip na trip ibattle ngayon. Umabot na din ako sa point na hindi ako ganun mag isip bilang battle emcee. Sayang silang lahat sa oras para isipin ko habang may ginagawa akong iba haha. Pero babattle ako ngayong taon ng madami sana. Kung sino bigay sakin, game lang ng game.


Ano pinagkakaabalahan mo ngayon? Latest projects? Dapat abangan ng mga tao?


Family. Lagi ako nasa bahay ngayon para makasama ang mga kakampi ko sa buhay. Weekdays tattoo artist ako. Music naman mas gumagawa din ako. 4 banda ko ngayon. Illustrado, supremo, teknika brutal, at kalawang. At personal goal ko na makapaglabas ng album yang 4 na yan ngayong 2020. Habang rumaratrat ako sa pagbabattle.


Marami bang iyaken na nagpapaptato? Kilala ba natin sila?


haha wala namang iyakin masyado. Sabi ng karamihan 'di daw ako masakit magtato.


Payo o warning/s para sa mga nangangarap maging kagaya ni batas?


Gawa kayo sarili niyong pagkatao. Haha. At tigasan niyo ulo niyo. Wag kayo makinig sa iba.


Illustrado FB Page @illustradorapatista

6,252 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page