top of page
Writer's pictureThe Kondor

Mayonnaise | 17 Years Strong | Monty : "masarap lang talaga tumugtog lalo na kung masaya mga kasama"


Matagal nako hanga kay Monty at sa Mayonnaise sa pagkagaling nila magsakto ng letra sa tono - pakinggan mo nalang ang "..pano nangyari yun?!.." , "..tayo nalang dalawa..", "..pag lasing dun ka lang malambing.." - ilan lang yan na examples - pero 'di ba? Sakto eh.


Matibay at mahusay ang bandang Mayonnaise. Kakacelebrate lang nila ng ika 17th nilang anniversary at kasalukuyang nasa tour pa din sila. Sipag. Nagpadala ako ng ilang tanong para maistorbo naman ng konti ang kasipagan nila. Eto yun :




Man! 17 years?! Grabe din. Hindi biro yun. Congrats! And yet isa pa din kayo sa pinaka busy at masipag na banda dito sa pinas. What keeps it interesting? Anu yung bagay na todo tumutulak sa inyo na "tara! Bukas ulet!"?


Monty : Bukod sa pera haha masarap lang talaga tumugtog at lalo na kung masaya mga kasama mo kasi panay kulitan tawanan chibugan. Yung fact na trabaho namin yung pangarap mong gawin sa buhay enough yun para araw arawin talaga.


Ang wild ng tour niyo. Gaano katagal na running ang tour? Kasabay din nun nakapagrelease pa kayo ng album, tama ba? Paano niyo nagawang mapagkasya ang oras niyo? Kamusta naging process nitong latest release?


Madalas nakukumpara ko mga bagay sa mga dale ng mga artists na taga ibang bansa. Bumwelo talaga kami na isang taon mag ttour kami na iba ibang venus and locations sa pinas at kung san man may game na mapuntahan. Parang suporta talaga sa bagong album yung ginawa namin last year. Kasi ibang panahon na eh wala na mashado naglalabas ng full album. Kaya ginawa namin para suporta sa bagong album yung tour. Naglaan kami ng mga bakanteng araw para sa tour at maagang pag plano late 2018 palang nagayos na kami ng buong 2019. Napakasaya nung taon dahil dito kaya ngayong 2020 sulat ng bagong kanta para next year ulit banat na.


Sa line up change ng banda. Nagkaroon ba ng any major challenges or adjustments? Or todo magic lang din talaga?


Meron din talagang pagbabago lalo na nung dati iba sumosolo or iba diskarte ng mga miyembro pero kaya siguro swak palagi kasi nga ang pundasyon tawanan kainan tambay eh. Wala akong naging member dati na hindi masarap kakulitan eh shempre lahat tayo nagsimula nung bata bata eh. Nung tumanda na ayun naging totoong trabaho na kasi kaya may mga kailangan piilin ang ibang buhay. Normal lang din na pag may change nagadjust at nahirapan. Kung ganon kadali rin di magiging sulit yung proseso.


Any dream projects in the future? Artist na gusto niyo makatrabaho? Current project? And anything you want to promote at the moment?


Actually itong palabas namin na album parang ito yung dream project eh. May mga pamilya at kaibigan na involved sa next album mga inidolo ko nung nagsisimula ako ngayon mga pumayag na makipag sapalaran sa grupo namin kaya excited ako eh. Sa ngayon labas na yung Kumander first single. Pang walo na studio album namin tong ginagawa namin.


Kung nasa kamay mo masalba ang kalikasan gamit ang musika/pagbabanda - Sino sino ang magiging members ng "dream team" mo? 😁


Nako kung local


Kevin Roy vox

Kakoi gitara

Corics keyboard backup vox

Louie T sa bass

Wendel sa drums


Foreign


Hayley Williams vox

Corgan lead guitar

Daniel Johns guitar 2 vox 2

Flea Bass

Grohl Drums


Tas manager ako 😂😂😂



More on their facebook page @mayonnaiseph


Bookings & Inquiries: The Yellow Room Music Management (0917) 862-8708 or (0928) 505-6512

212 views0 comments

Commenti


Post: Blog2_Post
bottom of page