top of page
Writer's pictureThe Kondor

HILERA - New Line up. Same Punk Rock Attitude.

Nung huling Brgy Tibay Covers Night, sinuwerte kami na pwede ang Padilla brothers ng Hilera. Matagal ko na gusto makajam tong mga to kaso shempre may bassist na sila at hindi naman ako makahirit. Pero walang mintis yun na kada ko makakasalubong ang Hilera boys ay mababanggit ko na gusto ko sila makajam.


Nung nagkaroon ng pagkakataon nung huling Tibay sa SaGuijo - eh tama nga hinala ko. Napakasarap kajam ng mga ito. Nag Buddy Holly ng Weezer kami at Greatest View ng Silverchair. Suma tutal Fan ako ng Hilera noon pa man. Para sakin kung may musical score ang maong - sila yun.


Ito ang ilang mga katanungan naipadala ko kay Chris tungkol sa bago nilang single na "Saglit", bagong line up ng banda at kung ano ang pinagkaka abalahan ng banda ngayon.



Pwede mo makwento breifly kung paano at kelan nagstart ang Hilera?

Chris : (2005) nagdecide kami nila Ivan maging 3 piece tapos sumali kami sa Nescafe Soundskool Battle of the Banda. 2006 na release yung first album namin under EMI Philippines noon. Bigla kayo nagka line up change sa banda? From a 3 pc naging 4 pc na kayo ngayon? Paano at bakit nangyari yun? Hindi na kasi nagwowork yung 3 piece dahil since papalit palit kami ng bassist, gumugulo na yung dynamic. Ngayon may bago kaming mga miyembro si Conrad at Ely na mas nagkaroon ng panibagong buhay dahil nagkaroon ng rythm at lead guitar mas lumaki ang tunog at mas masaya na din dahil mas marami kami. Sanay kasi na konti lang kami magkakasama. Any challenges or adjustments sa bagong line up? Yes, sa scheduling at kailangan mas may order. Nung 3 piece kasi kami wala halos batas sa pagtugtog so minsan nagiging overboard ang jamming walang tigil haha. Astig yung new song "Saglit". Part ba siya ng bagong album na ginagawa niyo or single lang? Salamat! Actually part siya ng album na ginagawa namin ngayon sa point bee studio. Pwede ba maikwento kung saan tungkol yung song? Saglit tungkol yan sa mga saglit na palaisipan dahil minsan iba yung treatment sayo minsan ok minsan di mo alam kung anong nagawa mo. Haha Paano ang song writing process niyo? Letra ba muna or music talaga nauuna? Minsan nag uumpisa sa magandang lyric or phrase. Kadalasan sa takbo ng melody ng music. Depende kung saan mo siya mahuhuli. Saan busy ang Hilera ngayon? Songwriting, recording...? Future plans? Mga bagay na gusto niyo ipromote? Sa ngayon busy kami sa pag promote ng bagong single namin yung “Saglit” under Sony Music Philippines tapos abangan yung parating na album namin dahil last na release namin ng album 2011 pa dahil nagkaroon ng album ang Oktaves ng 2012 with Nitoy Adriano (The Jerks), Ely Buendia (Apartel, Pupil). Then nagrelease kami ng EP called The Other Way Around nung 2016 lahat pwede mapakinggan sa Spotify. If ikaw mag musical score ng isang malupit na gera, anong kanta gagamitin mo? Kahit anong gawa ni Han Zimmer! O ni Trent Reznor


Hilera :

Chris - Vocals/Guitar

Bobby - Drums

Conrad - Guitar

Ely - Bass


Hilera's "Saglit" and their other songs are available on all your streaming platforms

More info on their facebook page @Hilera.music

2,168 views0 comments

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.
Post: Blog2_Post
bottom of page