top of page
Writer's pictureThe Kondor

Cancelled Gigs


photo courtesy of @salitanaw #brgytibayanniversary #bside #Philippines


Di bale nang makansel ang tugtugan kesa naman magbakasakaling "ok lang naman... yata". Mahirap na. Kagaya ko, may mga kasama ako sa bahay na matatanda at mga bata. Bukod sa sarili ko mas naiisip ko sila. Hindi man ako maapektuhan eh baka may makiangkas sa damit o gamit mo na dala mo galing sa labas. Dami nagrereact na "sus! Natakot kaya nagcancel" , "kala ko ba metal sila?" Men, walang mahina sa nagiingat at anong kinalaman ng pagiging metal dun. Ok yun. Hindi to oras ng pamachuhan.


Lagi nating iisipin ang mga tao na malapit satin. Na makaligtas ka man eh baka sila naman ang mameligro gawa ng kabibuhan mo. Di mo gugustuhing kargo de konsenya yun.


Mahirap man, panandalian lang to. Kaya malagpasan to.


Kagabi nanunuod ako ng balita, sabi ba naman nung iniinterview na may ari ng karinderya : "maselan na sila (mga kumakaen) ngayon, tinanatanong na kung sinabon ba daw namin ang kubyertos".


Talaga?!


Kinailangan pa talaga magka corona virus bago nila naisep yun enoh? Kulit din natin e.


Goodnight manila!


Baka din naman matinding leksyon to. Leksyon na dapat din natin matutunan bilang mga Pilipino. Na sana matuto na tayo magtanong kung sinasabon ni ate ang kubyertos nila.


Buong buhay ko ngayon ko lang din nasaksihan at narasanasan ang ganitong klaseng krisis. Pandaigdigan krisis. Bago to para sa ating lahat. Andali talaga magpanic. Lalo na sa mga lintik makabalita, mapa tv o socmedia. Hindi din ako immune.


Pero importante dito manatiling kalmado. Humanap at suriin mabuti ang impormasyong natatanggap. Tandaang kalmado lang ang nakakapagisip ng tama. Kalmado lang ang hindi bibili ng limpak limpak na alcohol, hand sanitizer o tissue. Kalmado lang ang hindi makikipagaway sa hoarder ng masks sa fb marketplace at sasabihing "Beh ang kapal ng mukha mo!".


Kung may oras man na dapat maging listo at nagiisep - eto na yun mga kapatid. Makinig. Sumunod. Kumalma. Lilipas din to wag lang tayo makulet at maging makasarili. At kung ano man ang maging solusyon ng gobyerno, maging masunurin nalang din tayo at wag naman sana maging politikahan pa shet. Lawakan ang isep. Hindi ngayon ang oras para sa "eh hinde, hinde eh". Pustahan kung sabihin nilang nakakapaso ang apoy - mayroon talagang hahawak sa apoy para lang makakontra e. Tapos sasabihin : "hindi naman e".


Lagi naman tayo may magagawa labas sa gobyerno sa kahit anong liit na paraan pa yun.


Magingat po sana tayong lahat. Seryoso.


Naiimagine ko nalang ang susunod na gig makalipas nito. Todo party yun panigurado. Kapit lang mga tol.


801 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page