Kung mahina at maarte ka at madali kang maoffend, wag mo sila panuorin. Maiinis ka lang talaga at hindi mo sila magegets. Tingin ko yun talaga gusto nila - Ang bad trippin ang mga "kupal" ika nga nila.
Napanood ko sila noong huling BrgyTibay anniversary sa Bside (yung last na tibay na yata yun sa Bside bago ito magsara). Naalala ko napa hirit nalang ako sa sarili ko ng "antindi ng mga to". Hindi lang sa pagiging mahuhusay na mga musikero pero sa tinde ng performance nila. Honestly, trip na trip ko sila dahil sobrang wala silang paki. Ang pankrak lang mashado para sakin. Eto sila...
Ang Tubero :
Birjin Pakir (Virgin Fucker) - Guitar Vocals
FCM (Fucking Crazy Man) - Backup Vocals/Computer Keyboard
Blodiab - Guitar
Sirit Ungol - Bass
Tangke Ng Tae - Drums
Bakit tubero ang pangalan niyo? Saan galing yun?
Una sa lahat wala talaga akong balak na pagandahin ang pangalan ng banda, kasi gusto ko lang mang-asar at bwisitin ang mga kupal sa lipunan. Noong panahon na binubuo ko pa lang yung banda pinag isipan ko ng maigi kung ano ipapangalan ko pero wala akong maisip, Habang naglalakad ako sa isang eskinita napatingin ako sa isang poste at may nakita akong nakadikit na papel at ang nakalagay "Wanted Tubero"...biglang pumasok sa isip ko "aahh ito na kaya ipapangalan ko sa banda,sakto mukhang mabaho" "TUBERO"!!!!
Paano nagsimula ang Tubero? Ito na ba talaga ang concepto niyo bago pa kayo magsimula o dahan dahan nalang nabuo ang style niyo?
August 2008, nag umpisa ito sa panggugulo ko sa tropang banda na nagpa-praktis sa studio na pinagtatrabahuan ko. Habang tumutugtog sila, napansin kong wala pa yung bokalista nila kaya naisip kong pagtripan ko muna at kinuha ko yung microphone sabay sigaw at pinagmumura ko sila isa-isa!"putang ina nyo" "kantutan" "kain tae"!!!!! Ang hindi ko alam nakunan pala ng video ang pinagagawa namin,habang ipinasilip sa akin yung video shit namin napaisip ako "gagawa nalang kaya ako ng bandang pang asaran lang!" yung tipong mabubwisit ang lahat ng makakapanood. At dahil dyan nabuo ang kauna-unahang kanta ng Tubero ang "Kain Tae". Para sa karamihan isa lang itong walang kwentang song title pero ang hindi nila alam ay para ito sa mga taong mapang-api, mapanglamang sa kapwa, mayaman na mata-pobre, kaya ang dapat sa kanila PAKAININ NG TAE!
Sa mga tugtugan o mga nakarinig o nakapanood na sa inyo. Ano ang pinakamatindeng reaction na natanggap niyo?
Sigawan, halakhakan, labas ngipin, murahan, bastusan, asaran.
Pano ang proseso niyo sa pag gawa ng kanta? Nauuna ba ang consepto ng kanta, tono, lyrics o music?
Nauuna yung lyrics, kadalasan nakakabuo ako ng title pag may nakaaway ako, o kaya may kausap na kupal. Katulad nalang ng Guwardyang sumita at namahiya sa akin sa entrance ng Alimall kasi suspecious daw ako dahil sa haba ng buhok at tattoo ko sa braso
Ano ang pinakamaiksi niyong kanta? At ano din ang pinakamahaba? Ano ano ang mga title nito?
Pinakamaiksi noon: "Mamatay kana" 1.5 seconds Pinakamaiksi ngayon: :"Pweh" 8 millisecond Pinakamahaba: "I love you" 3:30 minutes
Ano ang kasalukuyang gingawa ng banda? Nagsusulat ba kayo? Nagrerecord? Nagrerecord na kami ngayon sa pangalawang Album under Tower of Doom Records
Para sa mga naooffend sa mga kanta niyo, ano masasabi niyo sa kanila? HAHAHAHAHAHAHAHAHA! BUTI NGA SA KANYA!!! KASI KUPAL SYA! kung na offend sya sa amin "PROBLEMA NYA NA YUN!"
Ibang experience mapanuod sila ng lilve. Kung hindi mo pa sila napapanuod ng live, lumabas ka at hanapin mo sila. Sulit kung hindi ka mashado sensitive at may sense of humor ka.
Comments