Matagal ng haligi at tunay na kaibigan ng Brgy Tibay si Kaloi, nakilala ko siya at ang grupo nila na Mad Hops noong college pa sila. Kasama niya sa grupong to si Mark "Batas" at si Ferdz Rafanan. Noon pa man meron ng "tigas" na dating tong mga to. Nung lumipas ang mga taon lalo lang sila tumigas sa kani kanilang mga napiling larangan sa paglikha.
Nagpadala kami ng ilang mga katanungan kay Kaloi. Tungkol sa proseso at atake niya at banda niya sa musikang kanilang ginagawa. Paano siya nagsimula at ang kanyang lakbay sa ngayon at patutunguhan pa.
Kailan mo narealize na trip mo music/mag guitara? Ito ba una mong instrumentong dinampot?
Unang gusto ko tugtugin na instrument ay drums. 9 o 10 years old yata ako nun. Pero ayaw ng parents ko dahil “maingay” daw so next na gusto ko na instrumento ay gitara. Yun na ang pinag aralan ko. Nag lessons ako ng classical guitar sa Yamaha. Naka 6 lessons lang yata ako nun. Natuto ako magbasa ng notes at basic music theory.
Anong una mong natripang klase ng music?
Sa pagkakaalala ko ang mga una ko narinig at natripan na music ay GnR, Nirvana, Metallica, MC Hammer at Vanilla Ice. So metal, rock at hip-hop.
Lumalabas pa din ba sa pag gigitara mo ang una mong trip na klase ng music?
Yes lumalabas pa din sa pag gigitara ko at sa pagawa ko ng music in general. Yung aggression ng metal at groove ng hip-hop.
Bilang gitarista, ano ang tingin mong pinaka mataas mong pwedeng maabot na lebel bilang isang musikero?
Walang “highest level”. Continuous ang learning at experiences. Madami pa pwede pakinggan, isulat at puntahan. Pag naabot na kasi ang “highest level” ibig sabihin nag-plateau ka na. Wala ng excitement, wala ng drive at motivation. Boring yun.
Metal o hip hop?
Pareho e. Pareho ko blueprint yan sa attitude, songwriting at overall music appreciation.
Ano ang una mong banda?
Yung mga typical banda nung elementary at high school para makasali sa battle of the bands.
Pano ka naging gitarista ng VOC? Kamusta naman? Kamusta ang dynamics/songwriting?
Niyaya ko si Tatel at Paul gumawa ng project band. Sakto nung mga time na yun nagkaka-problema na daw sila sa gitarista nila so nag presenta na ako. Sinabi ko sa kanila na wag na sila maghanap, ako na nag volunteer. Fan ako ng VOC ever since so kabisado na mga kanta nila, pare-pareho kami ng influences at magkakakilala na talaga kami sa eksena so minimal adjustment na lang.
Songwriting namin usually nagsisimula sa riff. Pasahan lang thru email then ipo-program ni Paul yung drums. Tapos pag dating sa rehearsal dun na namin ifa-finalize.
Kung magtatayo ka ng banda para masalba ang mundo laban sa aliens. Sino sino yayain mo maging kabanda?
Allan Holdsworth at Dimebag Darrell sa guitars, Layne Staley sa vocals, Cliff Burton sa bass at Vinnie Paul sa drums.
Recent projects, future projects?
As of this writing gumagawa na kami (VOC) ng EP set for 2020 release
Kung hindi mo pa sila napapanood tumugtog, lumabas at panoorin ang Valley of Chrome ng live. Walang sinabi ang videos kumpara sa live.
Commentaires